Tuesday, April 04, 2006

Maling Akala

A very different and special challenge that confronts the goodness of the hearts of every Filipino will unfold starting this week on Extra Challenge. Three famous celebrities will transform themselves for the greatest challenge in the show's history. With the use of prosthetics we will change the appearances of the three celebrities from head to toe. It will be almost impossible to tell who they really are.

Together they are charged with a formidable task where the challenge is up to the viewers to overcome! A handsome and buff actor, the fantasy of many women, will become afflicted with bumps on his face and body. An actress is considered one of the loveliest faces of hit series Majika. Will people think differently of her when she becomes a disheveled street woman? And the third participant is known as a controversial sexy-comedian that raises temperatures on the basketball court.

Will you recognize him when he becomes an old hunchback?How do we perceive and treat people who look different from the norm? When you meet them on the streets, do you even notice them? Would you stop to help them or just cringe away in disgust? Find out how fellow Filipinos reacted through Extra Challenge's 'Maling Akala' airing weeknights right after Saksi.

Saturday, February 25, 2006

JC Parker won the 1Million pesos

Si JC ang nag-uwi ng 1Milyon pesos sa Extra Challenge Milyonaryo TAGAPAGMANA Series. Deserving naman siya di bah. Abangan sa Monday ang mga bagong challengers at magugulat kayo dahil mga bata ang mag extra challenge, kayanin kaya nila ang mga challenge na ibibigay sa kanila nila Paolo at Ethel. Abangan...

Thursday, February 02, 2006

Ang Tagapagmana Series

Isang kakaibang konsepto ang hatid ng Extra Challenge Milyonaryo ngayong Pebrero -- ‘Ang Tagapagmana.’
Magpapang-abot dito ang mga delikadong hamon at pagsubok at ang mga elemento ng drama sa soap opera upang lalo pang maging kapana-panabik ang challenges.
Maging ang EC Milyonaryo hosts na sina Paolo at Ethel ay may kani-kanyang gagampanang papel dito.
Malamang na kainisan ng mga manonood ang pinakabagong kontrabida sa primetime -- ang matapang at malupit na si Donya Alfaro (gagampanan ng beteranang aktres na si Liza Lorena).
Ayon sa kuwento, gustong angkinin ni Donya Alfaro ang buong kayamanan at lahat ng ari-arian ng kanyang yumaong asawa, na ayon sa Last Will and Testament nito ay nararapat mapunta sa tunay na tagapagmana -- ang nawawalang anak ni Don Alfaro.
Walong dalaga ang pumasa bilang posibleng tagapagmana ngunit isa lang sa kanila ang tunay na Alfaro.
Sino kaya sa celebrity challengers na sina Rochelle Pangilinan, Alicia Mayer, China Cojuangco, Nicole Anderson, Vana Garcia, Jeannetter Joaquin, JC Parker at Julia Clarete ang tunay na tagapagmana?
Kayanin kaya nilang walo ang hirap sa kamay ng malupit na Donya? Sino sa challengers ang inginudngod ang mukha sa putik? Matagalan kaya nila ang pagluhod sa munggo nang mahigit sampung minuto?
Huwag ninyong palampasin ang mga madadramang eksena sa kakaibang mga hamon sa ‘Ang Tagapagmana’ episode ng Extra Challenge Milyonaryo.
Mapapanood ito simula ngayong Huwebes, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA 7.

Marvin Agustin won the 1 Million pesos

Si Marvin Agustin ang nagwagi sa EXTRA CHALLENGE MILYONARYO "Kasabwat Series".

Marvin Agustin won the 1 Million pesos

Si Marvin Agustin ang nagwagi sa EXTRA CHALLENGE MILYONARYO "Kasabwat Series".

Sunday, January 15, 2006

The Challengers

Extra Challenge Milyonaryo
"KASABWAT"
The Challengers
Limang Artista...Limang Model... Maglalaban-laban upang makuha ang 1 Milyong Piso. Ibat' ibang hapon ang kanilang haharapin sa isang Isla sa Zambales sila'y maninirahan. Sino kaya ang tatagal.. Isa sa kanila ay kasabwat, na siyang panggulo at walang ibang gawin kundi bigyan ng problema ang mga challengers... Sino ang KASABWAT???
Polo Ravales, Marvin Agustin, Nikki Valdez, Gwen Garci and Jean Garcia, Andrew Wolf, GRO model Kenji Mabasa, beauty titlist Wendy Valdez, models Ruru Friedhof and Mariko Davis.

Friday, January 13, 2006

Extra Challenge MILYONARYO NA!!!

Extra Challenge Milyonaryo
Extra Challenge Milyonaryo. Mas pinaganda at Mas pinalaki. Kung saan isa sa mga Challengers ang maaring mag uwi ng 1 Milyong Piso, yun ay kung makakaya nila ang mga pagsubok na ibibigay sa kanila ng mga mahuhusay na hosts ng EXTRA CHALLENGE MILYONARYO na sila Ethel Booba at Paolo Bediones.